Bayan Muna aminadong malabong manalo si Zarate sa Speakership race

by Powered by DWIZ
0 comment
Bayan Muna aminadong malabong manalo si Zarate sa Speakership race

Aminado ang Bayan Muna Party-list group na malabong manalo si Cong. Carlos Zarate sa House Speakership race.

Ayon kay incoming Bayan Muna Cong. Ferdinand Gaite, ang pagtakbo ni Zarate bilang House Speaker ay isang political statement lamang para bigyang diin na dapat magkaroon ng tunay na independent at integridad ang pamunuan ng Kamara.

Pinuna rin ni Gaite ang mga tatakbong speaker na naghahangad ng basbas ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagiging kalokohan na lamang anya ngayon ang separation of powers at ang pagiging hiwalay co-equal branch ng Kamara.

Related Posts