29 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Bagyong Ineng lumakas

- Advertisement -

Lumakas pa ang bagyong Ineng at patuloy na nagpapaulan sa Bicol Region at Eastern Visayas area.

Ang sentro ng bagyong Ineng ay pinakahuling namataan sa layong 725 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay ng bagyong Ineng ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 75 kilometro bawat oras at may pagbugso na umaabot sa 90 kilometro kada oras.

Ang bagyong Ineng ay kumikilos sa bilis na 15 kilometro bawat oras pa kanluran hilagang kanlurang direksyon.

Ang public storm signal number 1 ay nakataas sa batas, kabilang ang Babuyan Group of Islands, Isabela, Apayao, Kalinga, Northern Abra at Ilocos Norte.

Maliit naman ang tsansang tumama sa kalupaan ang bagyong Ineng subalit maaaring lumakas pa ito at maging severe tropical storm sa susunod na 24 oras.

Inaasahan namang lalabas ng bansa ang bagyong Ineng sabado ng gabi o linggo ng umaga.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -