AFP hindi magdedeklara ng holiday truce sa unang pagkakataon
December 6, 2018
Shabu lab sa Greenhills San Juan sinalakay ng mga awtoridad
December 6, 2018
Show all

Bagong Commanding General ng PAF pinangalanan na

Agad nagtalaga ang Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong Commanding General ng Philippine Air Force.

Sa kanyang liham sa Department of National Defense (DND) na may petsang December 5, sinabi ng Pangulo na itinatalaga niya si Lt. General Rozzano Briguez bilang bagong Commanding General ng Philippine Air Force.

Una rito, kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang maagang pagreretiro ni Philippine Air Force Commanding General Galileo Gerard Kintanar Jr.

Sa January 2020 pa dapat magreretiro si Kintanar subalit sa hindi sinabing dahilan ay napaaga ito sa edad ng singkwenta’y kwatro (54).

—-

 

 

 

Comments are closed.