Babae arestado dahil sa tangkang pagpupuslit ng baril sa MRT

by Powered by DWIZ
0 comment
Babae arestado dahil sa tangkang pagpupuslit ng baril sa MRT

Arestado ang isang babaeng nagpakilalang security guard ng Ninoy Aquino International Aiport (NAIA) Terminal 3 matapos na mahulihan ng baril habang papasakay sa Taft Avenue Station ng Metro Rail Transit (MRT).

Kinilala ang babaeng suspek na si Emelyn Zapra, 28-anyos.

Batay sa ulat, mag-aalas-otso kaninang umaga nang pabiyahe patungong North Avenue Station si Zapra.

Pero nang idaan sa x-ray machine ang dala nitong bag, napansin ng mga guwardiya ang isang kahina-hinalang gamit.

Dahil dito, naghinala ang mga guwardiya at nang kanilang inspeksyunin ang bag ni Zapra nakita ang hindi lisensiyadong 9 millimeter na baril at walong bala.

Si Zapra ay nahaharapn sa kasong paglabas sa illegal possession of firearms and ammunition gayundin ng paglabag sa election gun ban.

(Ulat ni Jaymark Dagala)

 

 

 

 

Related Posts