American singer na si Maggie Lindemann pinutol na ang kaniyang Asian Tour matapos maaresto sa Kuala Lumpur

by Powered by DWIZ
0 comment
American singer na si Maggie Lindemann pinutol na ang kaniyang Asian Tour matapos maaresto sa Kuala Lumpur

Hindi naitago ng American Pop Singer na si Maggie Lindemann ang kaniyang pagkadismaya makaraang maaresto ito sa bansang Malaysia

Ayon sa pamunuan ng Malaysian Immigration, kulang sa kaukulang permit si Lindemann na kinakailangang hawak ng isang Music Artist upang payagan itong makapagtanghal sa kanilang bansa

Kasalukuyang nagsasagawa ng Asian Tour si Maggie subalit napilitan siyang huwag nang ituloy ito dahil sa naturang pangyayari

Magugunitang inaresto ang 20 anyos na US Pop Singer habang kumakanta sa isang Shopping Mall sa Kuala Lumpur kamakailan

 

 

Related Posts