Radio Philippines Network
Image default
Headlines National News

Albayalde naimpluwensyahan si Aquino kaya ‘di naipatupad ang dismissal order vs. 13 ‘ninja cops’ — Gordon

Kumbinsido si Senate Blue Ribbon Committee Chair Richard Gordon na matagumpay na naimpluwensiyahan ni PNP Chief General Oscar Albayalde si PDEA Chief Aaron Aquino para hindi ipatupad ang dismissal order laban sa 13 Pampanga Police na tinaguriang mga ‘ninja cops.’

Ito ang naging pahayag ni Gordon matapos ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa usapin ng ‘ninja cops’.

Ayon kay Gordon, malinaw na naimpluwensiyahan nang naging pagtawag ni Albayalde kay Aquino kaya hindi ipinatupad ang dismissal order noong siya pa ang hepe ng Central Luzon Police Regional Office.

Kahit pa sabihin ni Albayalde na hindi niya nais na impluwensiyahan si Aquino ay malinaw na mali ang ginawa nitong pagtawag kung saan binanggit nito ang kanyang mga tauhan.

Samantala, sinabi ni Gordon na posibleng maraming hindi pa sinasabi si Aquino ukol sa issue ngunit mabuti na lamang naibahagi na nito ang katotohanan sa naging usapan nila ni Albayalde.

Related posts

BuCor pinawi ang pangambang makalaya si ex-Calauan mayor Sanchez

Powered by DWIZ

SONA 2019 speech personal na inayos ni Duterte

Powered by DWIZ

Napaulat na pagpapalit ng Customs chief ikinagulat ni Guerrero

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More