Aabot sa 500,000 pisong hinihinalang shabu narekober sa Batangas

Aabot sa 500,000 pisong hinihinalang shabu narekober sa Batangas

by Powered by DWIZ
0 comment 60 views

Aabot sa 500,000 piso ng hinihinalang shabu ang narekober ng mga otoridad mula sa dalawang naarestong suspek.

Kinilala ang mga drug suspect na sina Ruel Casao at Warren Villena na sinasabing galing umano sa New Bilibid Prison o NBP ang mga ibinebenta nilang iligal na droga.

Natiklo sina Casao at Villena nang maaktuhan ang mga itong nagbebenta ng shabu sa Barangay Balagtas, Batangas City.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

0 comment

Related Posts