60 days na pagkakabilanggo sa mga mahuhuling terror suspects isinusulong

by Powered by DWIZ
0 comment
60 days na pagkakabilanggo sa mga mahuhuling terror suspects isinusulong

Isinusulong ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na makulong ng 60 araw ang mahuhuling terror suspects.

Ayon kay Lorenzana, masyadong maikli ang kasalukuyang tatlong araw na pagkakakulong laban sa mga mahuhuling terorista.

Iginiit ni Lorenzana na kailangan ng mas mahabang panahon para makumpleto ang pagbuo ng kaso laban sa mga suspek.

Suportado naman ni Senator Panfilo Lacson na gawing 60 araw ang kulong dahil kung tutuusin ay mas mahaba pa rito ang ipinatutupad sa ibang bansa.

Related Posts