31.5 C
Manila
Friday, April 26, 2024

6 katao patay sa isang gumuhong bahay sa Quezon City

- Advertisement -

Patay ang 6 katao makaraang gumuho ang isang bahay sa Culiat Creek, Sitio Tathala, Brgy. Bahay Toro, Quezon City.

Ayon kay Mike Marasigan ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office, nakilala ang mga nasawi na sina Nilo Manguso, 46-anyos; Ryan Rigueros, 31-anyos; Benito Añora, 45-anyos; Ronald Conde, 65-anyos;  Rey Gestro; at Jun Gabin.

Nasagip naman mula sa guho at kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa ospital sina Efren Milan at Fredericko Rigueros na nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan.

Pahayag naman ni PO1 Armed Pascual, imbestigador ng insidente, may nasilip silang posibleng paglabag sa 3-meter easement sa mga waterways sa gumuhong bahay.

Sinasabing nakatindig kasi sa creek ang pundasyon ng itinatayong extension ng bahay ng isa sa mga biktimang si Rigueros.

Dahil dito, hinihinalang lumambot ang lupang kinatatayuan ng pundasyon dahil sa pag-uulan kaya ito bumigay na naging dahilan ng naturang trahedya.

Susuriin naman ito ng engineering department ng Quezon City dahil hindi lamang ang gumuhong bahay ang nakitang lumalabag sa 3-meter easement kundi maging ang iba pang mga istruktura sa nabanggit na lugar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -