36.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

4 proyektong pang imprastraktura may kaugnayan umano sa mga in-laws ni Diokno

- Advertisement -

Hindi bababa sa apat na proyektong pang-imprastraktura na nagkakahalaga ng aabot sa 550 milyong piso ang may kaugnayan umano sa mga in-laws ni Budget Secretary Benjamin Diokno.

Ito ang isiniwalat mismo ni House Majority Floor Leader Rolando Andaya Jr. sa harap na rin ng usapin ng mga isiningit umanong pondo sa 2019 national budget.

Ayon kay Andaya, kabilang sa mga nasabing proyekto ang 49 milyong pisong halaga ng pagsasaayos sa Aruman-Casiguran Road; 96 milyong pisong halaga ng konstruksyon ng Barcelona – Casiguran Diversion Road.

Gayundin ang 115 milyong pisong Tourism Road patungong Bulusan National Park at 289 milyong halaga ng Daang Maharlika Section sa Sorsogon.

Sinabi pa ni Andaya, asawa aniya ng anak na babae ni Diokno si Jojo Sicat na anak naman ni Casiguran Mayor Edwin Hamor.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -