4 patay habang 5 sugatan sa pamamaril sa Kansas City

4 patay habang 5 sugatan sa pamamaril sa Kansas City

by Powered by DWIZ
0 comment 29 views

Patay ang 4 katao habang 5 katao ang sugatan sa naganap na pamamaril sa isang private bar sa Kansas City sa Estados Unidos.

Ayon kay Kansas City police spokesman Thomas Tomasic, pasado 2:00 a.m. ng umaga ng puntahan nila ang Tequila KC bar at doon nakitang wala nang buhay ang 4 na lalaki na may mga tama ng bala.

Narekober ng mga pulis ang mga handgun shell casings at basyo ng bala sa pinangyarihan ng insidente.

Agad umanong nakatakas ang suspek.

Hanggang sa ngayon ay inaalam pa rin g mga otoridad ang motibo ng pamamaril sa nasabing private bar.

0 comment

Related Posts