24 oras na konstruksyon ng Sangley Point International Airport ipinag utos ni Tugade

by Powered by DWIZ
0 comment
24 oras na konstruksyon ng Sangley Point International Airport ipinag utos ni Tugade

Ipinag utos ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang 24 oras o 24/7 na konstruksyon ng Sangley Point International Airport sa Cavite.

Kasunod na rin ito ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat maging operational ang Sangley Point sa buwan ng Nobyembre.

Ayon kay Tugade, kumuha na sila ng dagdag na manggagawa para matiyak na matatapos ito sa mismo o bago ang itinakdang deadline ng pangulo.

Kasabay nito, nakipag pulong si Transportation Assistant Secretary for Procurement and Project Implementation Giovanni Lopez sa mga miyembro ng Task Force Sangley.

Kabilang sa task force ang mga kinatawan mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines, Philippine Air Force, ferry system at project contractor.

Pinaalalahanan ni Lopez ang CAAP na dapat makipag tulungan sa DOTr sa konstruksyon ng Sangley Point.

Ilan sa mga dapat ayusin sa lugar ang runway, apron, passenger terminal building, supply ng kuryente, drainage system at site development.

Related Posts