19 opisyal kabilang ang 3 kalihim sinibak sa puwesto ng Pangulo

0
59

Tatlo (3) pang department secretaries at labing-anim (16) na undersecretaries ang sinibak sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inamin ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa Asia-Pacific Healthy Islands Conference 2018 sa Marco Polo Hotel, Davao City.

Ayon sa Punong Ehekutibo, gaya ng dati ay ang labis na ang pagbiyahe ng mga nasabing opisyal sa labas ng bansa.

“There’s climate change in Africa and they’re there. There’s climate change in New Zealand and they’re there. There’s climate change in Tokyo and they’re there. There are climate change conferences all around the world and nothing is done for the country, They just visit the cities, to hell with climate change.” Pahayag ni Pangulong Duterte

Gayunman, hindi pinangalanan ng Pangulo ang mga sinibak niyang cabinet official.

—-