Wednesday, May 8, 2024

Zarate sa P19M multang ipinataw ng ERC sa Meralco: “barya lamang”

- Advertisement -

Dapat mas malaking halaga pa ang dapat na ibalik ng Meralco sa mga consumer nito makaraang maningil ng mataas na bill kasabay ng pag-iral ng enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon kay Deputy Minority Leader Carlos Zarate, kung sususmahin ay barya lang para sa naturang electric company ang ipinataw na P19 milyong multa ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Dagdag pa ni Zarate, hindi rin naman talaga mapupunta sa mga consumers ng meralco ang naturang multa na ipinataw sa kanila.

Dahil dito, nanawagan si Zarate sa Commission on Audit (COA) na magsagawa ng audit sa Meralco para malaman ang tunay na halaga ang dapat nitong isauli o i-refund sa kanilang mga consumers.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img