Zarate hinimok na sampahan ng kasong graft si Cardema

0
57

Hinimok ni Bayan Muna Partylist Representative Carlos Zarate ang pamahalaan na sampahan ng kasong graft si disqualified Duterte Youth nominee Ronald Cardema.

Ayon kay Zarate, kasunod na rin ng naging pag-amin ni Cardema na nagbigay siya ng P2-M suhol kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon para sa accreditation ng Duterte Youth partylist.

Sinabi ni Zarate, isang matibay na ebidensiya aniya ito ng paglabag ni Cardema sa sinumpaang tungkulin bilang noo’y chairman ng National Youth of Commission.

Dagdag ni Zarate, maaaring isampa ni Guanzon o ng mga anti-graft agency tulad ng Presidential Anti-Corruption Commission at Office of the Ombudsman ang kaso laban kay Cardema.