ZAMBOANGA: PAGPAPATULOY NG IMPLEMENTASYON NG “BAKUNA ESKWELA” SA ZAMBOANGA CITY

    0
    7

    Isinagawa ng mga kawani ng City Health Office, katuwang ang Department of Education (DepEd), ang “Bakuna Eskwela” (School Based Immunization ) sa Ayala National High School at sa Ramon Enriquez Memorial High School sa Labuan, kung saan direktang inihahatid ang mga libreng bakuna sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan.

    Narito ang mga target na antas at bakuna: Ang mga mag-aaral sa Grade 1 at Grade 7 ay tatanggap ng bakunang Measles-Rubella (MR) at Tetanus-Diphtheria (TD), habang ang mga babaeng mag-aaral sa Grade 4 (edad 9-14) ay tatanggap ng bakunang Human Papillomavirus (HPV) upang maiwasan ang cervical cancer.

    Tinitiyak ng Department of Health at City Health Office na ang lahat ng bakunang ibinibigay sa ilalim ng kampanyang ito ay ligtas, epektibo, at libre.

    Ang implementasyon ay isasagawa mula Agosto 24 hanggang Setyembre 30, 2026. (Algie Rojas)

    Source: City Health Office (CHO) Zamboanga City.

    Leave a Reply