ZAMBOANGA: P3.4 M NA HALAGA NG PINAGHIHINALAANG SHABU ANG NASAMSAM SA DALAWANG SUSPEK SA BUY-BUST OPERATION SA ZAMBOANGA CITY

    0
    3

    Inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency Rrgional Office 9 (PDEA RO9), katuwang ang iba pang yunit ng pagpapatupad ng batas, ang dalawang indibidwal na hiniginalang sangkot sa droga at nasamsam ang humigit-kumulang 500 gramo ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation na isinagawa sa Barangay Lunzuran Zamboanga City.

    Ang mga naaresto sa operasyon ay kinilala sa mga alyas na Abdurahman, 50,residente ng Jolo Sulu, at Madzrimel, 38, residente ng Barangay Mercedes, Zamboanga City.

    Nagresulta ang operasyon sa pagkakasamsam ng humigit-kumulang 500 gramo ng hinihinalang shabu, na may tinatayang halagang 3.4 Million Pesos.

    Narekober din ng operating team ang ilang mga gamit na walang kinalaman sa droga, kabilang ang buy-bust money, dalawang pitaka, isang keypad mobile phone, dalawang belt bag, mga identification card, mga materyales sa pagbabalot, isang brown paper bag, isang remittance slip, at isang minivan.

    Pinangunahan ang operasyon ng PDEA RO9 Zamboanga City Office, katuwang ang PDEA RO9 Regional Special Enforcement Team 2, PNP Zamboanga City Police Office-City Drug Enforcement Unit, PNP Tactical Support Company ng Regional Mobile Force Battallion 9, at PDEA RO9 Sulu Provincial Office.

    Sasampahan ng kaukulang kaso ang mga naarestong suspek dahil sa paglabag sa Section 5, kaugnay ng Section 26(b), Article II ng Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Algie Rojas)

    Source: Pdea RO IX.

    LEAVE A REPLY