ZAMBOANGA: MGA EMPLEYADO NG ZAMCELCO, LUMAHOK SA ISANG SEMINAR TUNGKOL SA KAMALAYAN SA KALUSUGANG SA PAG-IISIP

    0
    6

    Lumahok ang mga empleyado ng ZAMCELCO sa isang seminar tungkol sa kamalayan sa kalusugang sa pag-iisip (Mental Health Awareness Seminar) bilang pagdiriwang ng Buwan ng Kamalayan sa kalusugang Pag-iisip (Mental Health Awareness Month). Naging tagapagsalita sa seminar na ito si Dr. Sherhalyn A. Mukaram, MD, MPH, DSBPP.

    Binigyang-diin sa seminar ang kahalagahan ng pagpapanatili ng mabuting kalusugang pag-iisip habang ginagampanan ang kani-kanilang mga tungkulin bilang mga empleyado ng ZAMCELCO. Ang malusog na kaisipan ay nakatutulong sa mga empleyado na pamahalaan ang stress, pagbutihin ang pokus at produktibidad, gumawa ng mas mahusay na mga desisyon, at bumuo ng positibong ugnayan sa kanilang mga kasamahan sa trabaho. Isinusulong din nito ang isang kapaligirang sumusuporta sa isa’t isa, kung saan ang mga empleyado ay maaaring magtrabaho nang epektibo at magbigay ng mas mahusay na serbisyo sa mga miyembro- konsyumer.

    Nagpapasalamat nang lubos ang ZAMCELCO kay Dr. Mukaram sa pagbabahagi ng kanyang mahahalagang kaalaman at pananaw tungkol sa kalusugang pag-iisip at kaglingan (well-being). Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, patuloy na hinihikayat ng ZAMCELCO ang mga empleyado na bigyang-prayoridad ang kanilang mental wellness at suportahan ang isa’t isa sa pagbuo ng isang mas malusog at mas positibong lugar ng trabaho. (Algie Rojas)

    Source: ZAMCELCO.

    LEAVE A REPLY