Isang concern citizen ang nag-ulat ng isang insidente ng pamamaril bandang 10:28 ng umaga noong Miyerkules, Nobyembre 4, 2026, sa Purok 4, Barangay Malagutay, Zamboanga City na agad na nagtungo ang mga kapulisan sa naturang lugar.
Batay sa paunang imbestigasyon, natagpuan ang biktima na kinilala na si Ramil Nicdao, 40 taong gulang, lalaki, binata, at residente ng Barangay Lunzuran, Zamboanga City, na nakahandusay sa lupa sa tabi ng kanyang motorsiklo na isang itim na Yamaha Sniper na may plakang 848 JYM at may mga sugat na dulot ng tama ng baril. Ito’y batay sa paunang pagsusuri ng medic mula sa ZCDRRMO, ang biktima ay nagtamo ng tama ng baril sa kanyang ulo.
Agad na siniguro at nilagyan ng *cordon* ng mga rumespondeng tauhan ang lugar ng krimen habang hinihintay ang pagdating ng mga tauhan ng (SOCO) para sa pagsusuri sa pinangyarihan at pangangalap ng mga pisikal na ebidensya. Nagsagawa rin ng pagtatanong sa mga posibleng saksi at redidente sa paligid upang makakuha ng impormasyon tungkol sa mga pangyayari, pagkakakilanlan ng mga sslarin, at kung saan posibleng tumakas ang mga ito. Ipinagpapatuloy ang naturang imbestigasyon, kabilang ang pagsusuri sa mga CCTV footage sa naturang lugar at pagsasagawa ng mga *follow-up operation* upang matukoy ang motibo at pagkakaaresto sa mga suspek. (Algie Rojas).
