ZAMBOANGA: IPINASA NG LUNGSOD ANG PROYEKTO SA PAGKOKONKRETO NG KALSADA SA LUNZURAN

    0
    3

    Pormal na ipinasa ng pamahalaang lungsod, sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Khymer Olaso, ang bagong tapos na proyekto sa pagkokonkreto ng kalsada sa Barangay Lunzuran noong Lunes, nagkakahalaga ng 5.63 Million Pesos ang proyekto sa kalsada ay may habang 336 linear meters at inaasahang magpapabuti sa mobilidad ng mga residente at magpapadali sa pag-access sa mga mahahalagang serbisyo.

    Si Mayor Khymer Olaso, na kinatawan nina Chief of Staff at Secretary to the Mayor Celso Lobregat, ay nagpahayag ng kumpiyansa na ang mas maayos na kondisyon ng kalsada ay nagpapabuti sa access sa mga mahahalagang serbisyo, paaralan, pasilidad pangkalusugan, at mga programa ng gobyerno, na nakatutulong sa pag-angat ng kalidad ng pamumuhay sa Barangay.

    Nagpasalamat si Lunzuran Chairperson Efren Perez sa pamahalaang lungsod at sa administrasyong Olaso para sa imprastraktura, kung saan binanggit niya ang maraming brnepisyo nito para sa mga residente ng Barangay.

    Ang proyekto ay isinagawa ng isang pribadong kontraktor sa ilalim ng pangangasiwa ng City Engineer’s Office. Nagsimula ito noong Hulyo 27, 2026, at ang inagurasyon nito ay naisagawa nang mas maaga kaysa sa target na petsa ng pagtatapos na Nobyembre 9, 2026. (Algie Rojas)

    Source: City Engineer’s Office.

    Leave a Reply