32.3 C
Manila
Friday, October 7, 2022

Zamboanga: Bangkay Ng Isang Lola Narekober Sa Sunog Sa Barangay Camino Nuevo, Zamboanga City

- Advertisement -

Abo na lang ng isang 66 años na babae ang na recover ng kawani ng Zamboanga City District Fire Station pagkatapos na sunog ang kanilang inuupahan na bahay sa Quidilla Compound, Barangay Camino Nuevo, sa lungsod ng Zamboanga kaninang alas 2:30 ng hapon, Oktubre 14, 2021.

Ayon kay Fire Marshall Chief Inspector Jacqueline Ortega isang bahay ang totally burned at isa ang partially damage sa sunog.

Sabi pa ni Ortega sa RPN DXXX Zamboanga naiwan ang 66 años na si Clarita Co sa loob ng bahay at ito ang sanhi ng kanyang pagkasunog.

Umaabot sa ₱ 200,000.00 ang ari-arian ang natupok sa sunog at posible ang dahilan ay electrical short circuit.

“Allegedly, nag malfunction ang kanilang outlet sa kwarto at hinde eto naagapan dahil ang 7 años nabata ang nag-iisa sa loob”, sabi pa ni Ortega.

Ayon pa sa kanyang kapatid na si Teresita Co, 70 años, isang dating guro, sinubukan niyang bumalik sa loob ng bahay para sagipin ang kanyang kapatid pagkatapos niya ilabas ang dalawang batang lalake subalit may nahulog na maanit sa kanyang batok at eto ang sanhi ng kanyang sugat.

Pinaliwanag ng nakatandang Co na ang namatay niyang kapatid ay bedridden at sumasakit na ang kanyang dalawang paa at ito ang dahilan na hinde na siya nakakalakad.

Na recover ang labi ng biktima pasada alas 4 ng hapon pagkatapos dinala ito sa isang local na punerarya. (Photos courtesy by Eugene Lasprilla)

- Advertisement -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -