Nagtapos ang unang araw ng Trabahong Digital Job Fair na may mahigit 200 aplikante at 28 indibidwal na agad na natanggap sa trabaho (Hired on the Spot o HOTS). Ito ay sa pamamagitan ng pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya sa ilalim ng pamumuno ng DICT IX BASULTA, katuwang ang Office of the Senate President, Department of Labor and Employment (DOLE), at ang Public Employment Service Office (PESO) ng pamahalaang Lungsod ng Zamboanga.
Ang Job Fair, na nakaayon sa mandato ng DICT para sa “Trabahong Digital,” ay nag-ugnay sa mga naghahanap ng trabaho sa mga potensyal na employer. Binigyang-diin din dito ang mga oportunidad na nakabatay sa ICT sa pamamagitan ng pagpapakilala sa “Digital Workforce Hub.”
Pormal na binuksan noong Linggo, Nobyembre 22, ang dalawang-araw na Trabahong Digital Job Fair, na nag-aalok ng mahigit 500 bakanteng posisyon mula sa mga lokal na employer. Bukod dito, mayroon ding mahigit 10,000 bakanteng poaisyon para sa trabaho sa ibang bansa, na inihanda sa pakikipagtulungan ng limang lisensyadong Private Recruitment Agencies (PRAs) at ng Department of Migrant Workers IX (DMW).
Nanging bahagi rin ng aktibidad ang “one-stop shop” mula sa Philippine Post Office, DMW, Bureau of Internal Revenue (BIR), TESDA IX, Philippine Statiatics Authority (PSA), at DOLE. Tampok din ang mga serbisyo ng DICT tulad ng eGov App, PNPKI, at ang Digital Workforce Hub.
Magpalatuloy ang job fair ngayong lunes Nobyembre 23, sa KCC Mall. Kabilang sa mga aktibidad ay ang mga libreng sesyon sa pagkatuto at “employment coaching” para sa lahat ng mga interesadong kalahok. (Algie Rojas)
Source: DICT IX BASULTA
