ZAMBAONGA: NAGLABAS ANG LUNGSOD NG P1.48M NA TULONG PINANSYAL PARA SA 740 SENIOR CITIZEN

    0
    1

    Naglabas ang Pamahalaang Lungsod ng Zamboanga ng kabuuang P1.48M bilang tulong pinansyal para sa 740 Senior Citizen mula sa Barangay Baliwasan noong Miyerkules, Nobyembre 4. Ang pamamahagi ay isinagawa sa KCC Mall at sumasaklaw sa una at ikalawang kwarter ng 2026.

    Ang bawat benepisyaryong may edad 60 pataas ay tumanggap ng kabuuang P2,000 katumbas ng P1,000 para sa bawat kwarter anuman ang kanilang katayuan sa trabaho, pagiging miyembro sa isang organisasyon o kung tumanggap man sila ng social pension.

    Ang pamamahagi ay pinangasiwaan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), katuwang ang mga kawani mula sa City Treasure’s Office.

    Ang pamamahagi para sa mga Senior Citizen ng Baliwasan ay bahagi ng sabay-sabay na aktibidad sa iba pang mga Barangay sa lungsod, na naglalayong maabot ang mas marami pang benepisyaryong Senior Citizen.

    Ang tulong na ito ay ipinagkakaloob sa ilalim ng Social Amelioration Program ng Lungsod, alinsunod sa City Ordinance No. 751, na nagbibigay ng suportang pinansyal sa mga kwalipikadong Senior Citizen upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. (Algie Rojas)

    Source: City Government of Zamboanga.

    LEAVE A REPLY