Water level sa Angat Dam sumampa na sa 197-meter level —PAGASA hydrology

0
13

Sumampa na sa 197-meter level ang antas ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na magdamag.

Ipinabatid ng PAGASA Hydrology Division na alas-6 kaninang umaga ay nasa 197.22 meters na ang water level ng Angat Dam.

Bahagya ring nadagdagan ang water level ng Ipo Dam na nasa 100.99 meters, gayundin ang Binga Dam, habang walang pagbabago sa water level ng Magat Dam.

Samantala, nabawasan din ang antas ng tubig sa La Mesa Dam, Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Caliraya dams.