31.5 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Watak-watak na katiwalian, hindi ‘organized corruption’ ang nagaganap sa PhilHealth — PhilHealth spox

- Advertisement -

Hindi organisado kung hindi watak-watak at kaniya-kaniyang korapsiyon at katiwalian ang bumabalot sa operasyon ng PhilHealth.

Ito ang tahasang naging pahayag ni Dr. Shirley Domingo, tigapagsalita ng PhilHealth kaugnay ng kinahaharap na kontrobersiya ng ahensiya.

Ayon kay Domingo, hindi siya kumbinsido na ‘organized corruption’ ang nagaganap sa ahensiya pero malaki ang posibilidad na mayroong watak-watak na katiwaliang nagaganap sa PhilHealth.

Kaugnay nito, iginiit din ni Domingo na walang sindikato at malaking korapsyong nagaganap sa ahensiya kagaya na lamang ng alegasyong ibinulsa ng ilang opisyal ng PhilHealth ang nasa P15 bilyong.

Samantala, aminado rin si Domingo na may nahuli na sila noon na mga empleyadong sangkot sa korapsyon kung saan agad naman nila aniya itong pinag-sisibak, at sinampahan ng kaukulang kaso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -