Velasco itinalagang pinuno ng PDP Laban sa Kamara

    0
    47

    Pamumunuan ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang rulin party na PDP Laban sa mababang kapulungan ng Kongreso

    Sa isang pahayag, nagpasalamat si Velasco sa naging pasya ng partido na pamunuan niya ang mayorya ng mga mambabatas sa Kamara

    Si Velasco ang nakatakdang humalili kay House Speaker Allan Peter Cayetano sa ulalim ng Term Sharing Agreement kung saan, manunungkulan ito sa loob ng 15 buwan

    Kasunod nito, kumpiyansa si Velasco na mapapatatag pa ng nasabing hakbang ang kanilang pagkakaisa sa PDP Laban na binubuo ng 69 na mambabatas