Trillanes muling tinanggalan ng police security escort

0
45

Muli na namang tinanggalan ng police security escort si Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Chief Superintendent Filmore Escobal, direktor ng PNP Police Security and Protection Group, paglabas pa lamang ng proclamation na nagpapawalang bisa sa amnestiya ni Trillanes ay nagbigay na ng instruction si PNP Chief Oscar Albayalde na i-recall ang police escorts ng senador.

Sinabi ni Escobal na sa sandaling maabswelto ng korte si Trillanes, maaari uli itong humingi ng police escort sa PNP.

Gayunman, kailangan muna aniya itong aprubahan ni Albayalde.

Matatandaan na noong Hulyo ay binawian rin ng police escort si Trillanes dahil sa personnel audit na ginawa ng PSPG.

—-