Baguio City – Ideneklara ni Baguio City Fire Station Fire Marshal FSupt. Marisol Hernandez Odiver naapula na ang strukturang sunog sa Barangay Ferdinand, Baguio City. Dalawang bahay ang nadamay sa naturang sunog. Iniimbestigahan pa ng kinauukulan kung ano ang sanhi ng Sunog at magkano ang pinsalang nadulot nito sa mga taga-roon.
Sa kaugnay na balita, hiniling ni Mayor Benjamin Magalong sa lahat ng pangkat na tumugon sa naturang sunog. Tulad ng Baguio City Fire Station, Baguio City Police Office, City Social Welfare and Development Office, City Disaster Risk Reduction and Management Office, at Health Services Office na ibigay ang lahat ng kinakailangang tulong para sa naapektuhang residente. Ito’y tulong sa mga individual na nadamay sa naturang sunog.(RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)
(Source: PIO Baguio)
