Sunday, April 28, 2024

Show cause order inihain ng KBP laban sa Karambola co-host

- Advertisement -

Binigyan ng show cause order ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) ang pamunuan ng Aliw Broadcasting Corporation (ABC) kung saan kabilang ang himpilang DWIZ 882.

Ito ang nakasaad sa natanggap na desisyon mula sa KBP ng Rappler reporter na si Pia Ranada hinggil sa inihaing reklamo nito laban kay Karambola co-host na si Rey Joseph o Rj Nieto na mas kilala bilang Thinking Pinoy.

Batay sa inilabas na desisyon ng KBP board nuong Mayo 31, sinasabing nilabag umano ni Nieto ang broadcast code hinggil sa personal na pagbatikos laban sa isang tao, grupo o institusyon na mahigpit nilang ipinagbabawal.

Kinuwestiyon din ng KBP ang pamunuan ng DWIZ at ABC dahil sa pagpayag nito na sumahimpapawid si Nieto kahit walang kaukulang pagkilala sa KBP kung saan miyembro ang nasabing himpilan.

Inihayag naman ni Virginia Velasco, performance officer ng KBP na may hanggang Setyembre 3 si Nieto para makapaghain ng kaniyang apela hinggil sa reklamo ni Ranada.

Gayundin ang ABC na mayruong hanggang katapusan ng buwang ito para makapaghain naman ng kanilang paliwanag.

Sakaling mabigo ang ABC at si Nieto na makasunod sa hinihingi ng KBP, posibleng pagmultahin mula P10,000-P15,000 si Nieto habang P20,000-P30,000 ang posibleng ipataw na multa sa kompanya o maharap sa censure.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -