Sharon at Kiko Pangilinan itinanggi ang alegasyon ni Duterte

Sharon at Kiko Pangilinan itinanggi ang alegasyon ni Duterte

by Powered by DWIZ
21 views

Itinanggi nina Senator Francis “Kiko” Pangilinan at asawa nitong si Sharon Cuneta ang alegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong problema na namamagitan sa kanilang dalawa.

Ito ay matapos ang naging alegasyon ng Pangulo na umano’y pagpapaalis ni Sharon sa Senador sa kanilang tinitirhan ngunit wala lang itong ibang mapuntahan.

Ayon pa sa Pangulo, handa siyang magbitiw sa pwesto kapag napatunayang nagsisinungaling lamang siya sa kanyang mga sinabi.

Magugunitang, pinatutsadahan ni Pangulong Duterte si Pangilinan matapos mabangit sa kanyang talumpati sa kasagsagan ng pag-gugunita ng araw ni Bonifacio kaugnay sa batas na naglalayong ibaba sa 15 taong gulang ang edad na maaaring makalabag sa krimen.

0 comment

Related Posts