Thursday, May 2, 2024

Scholar Ni Mayor Madel Alfelor Pang International Ang Level

- Advertisement -

Dating MAG Scholar noong 2013-2018 na nag-aral ng Junior High School sa Zeferino Arroyo High School at Senior High sa University of Saint Anthony si Jed Nagales ngayon ay isa sa walong napili na magkaroon ng Internship sa Akram Khan Company sa United Kingdom.

Ang Akram Khan Company ay isang London-Based Dance Company na isa sa pinakakilalang dance company sa buong mundo.

Si Jed ay pitong (7) taong naging myembro ng D’ Mag Dancers na binuo at ginagabayan ni Mayor Madelaine Yorobe Alfelor. Siya ay nakasama at nakapag-perform na kasama ang mga MAG Dancers sa Hongkong, Japan at Taiwan.

Isa si Jed sa nagbigay ng karangalan sa bansa maging sa Iriga City kung saan kasama siya na naguwi ng medalya ng tagumpay sa ibat-ibang international competitions kagaya ng All Japan Open International Cheerdance Competition, 11th Cheerleading Asian International Championship at 9th Cheerleading World Championship.

Isa rin siya sa mga MAG Dancers na nakapag-perform sa Hongkong Disneyland at sa kasalukuyan ay apat (4) taon nang nasa Hongkong Academy for Performing Arts at nag-aaral ng Bachelor of Fine Arts Major in Contemporary Dance.

(Source: LGU Iriga City, photo courtesy of Iriga City Official Facebook page)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img