Saturday, May 18, 2024

Schedule ng mass registration para sa nat’l ID system inurong sa Oktubure

- Advertisement -

Inilipat ang iskedyul ng mass registration para sa national ID system sa Oktubre mula sa orihinal na planong sa buwan ng Hulyo dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Deputy National Statistician Assistant Seretary Lourdines Dela Cruz ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang pagsasagawa ng mass registration ay para mas mapadali ang paghahatid ng mga ayuda sa mga mamamayan sa gitna ng pandemyang COVID-19.

Aniya, kanilang ipaprayoridad ang paggawa ng database sa mga mahihirap upang agad na maipamahagi sa mga ito ang tulong mula sa gobyerno.

Samantala, maglulunsad rin ang PSA ng online pre-registration system at mobile registration para sa mga pamilyang walang access sa internet upang maipagpatuloy parin ang pag-obserba sa social distancing.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -