San Juan City tiniyak ang kahandaan kontra COVID-19

    0
    29

    Tiniyak ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang kanilang kahandaan laban sa panganib ng coronavirus disease (COVID-19).

    Ito ay matapos na mapaulat na madalas sa isang prayer room sa Greenhills ang isang nagpositibo sa COVID-19.

    Ayon kay Zamora, kumikilos na ang lokal na pamahalaan ng San Juan upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

    Aniya, pina-disinfect na rin ang sinasabing prayer room na madalas na pinupuntahan ng pasyenteng nag positibo sa virus upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.