Resulta ng 2018 Bar Examinations ilalabas sa Biyernes

0
46

Ilalabas na ng Korte Suprema sa Biyernes, May 3 ang resulta ng 2018 bar exam.

Ayon sa Korte Suprema, mismong si Associate Justice Mariano del Castillo, 2018 bar chair ang mag aanunsyo ng resulta sa front yard ng high tribunal sa Padre Faura St. sa Maynila.

Matapos ang anunsyo, ipopost na sa website ng Korte Suprema at itinalagang mirror sites ang listahan ng mga bagong abogado.

Nasa kabuuang 8,155 ang mga kumuha ng bar exam at ito ang pinakamarami sa kasaysayan ng mahigit 100 bar examinations na ginawa sa bansa.

—–