31.6 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Radio broadcaster sa Albay patay sa ambush

- Advertisement -

Patay sa pananambang ang isang radio broadcaster sa Daraga, Albay.

Kinilala ang biktima na si Joey Llana, 38-anyos, radio anchor ng Zoom Radio o DWZR AM sa lungsod ng Legazpi.

Ayon sa ulat, sakay ng kanyang sasakyan si Llana na patungo na ng trabaho nang tambangan ito ng mga hindi pa nakikilalang salarin kaninang alas-5:00 ng madaling araw.

Patuloy namang iniimbestigahan ng pulisya ang naturang insidente.

Kilala si Llana sa maaanghang nitong banat sa ere na sinasabayan niya ng komedya.

—-

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -