Quarantine passes gagamitin na ulit sa MECQ areas —Año

0
18

Kakailanganin na muli ang mga quarantine pass sa mga lugar na isasailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ito, ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, ay makaraang i-anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na isasailalim muli sa MECQ ang Metro Manila, pati na ang mga karatig lalawigan nito na Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal, matapos ang panawagan ng mga health workers na isailalim muli sa dalawang linggong ECQ ang Metro Manila.

Ayon kay Año, gagamitin na muli ang mga quarantine pass ng mga residente sa mga lugar na isasailalim muli sa MECQ, at asahan na rin anya maging ang pagkakaroon ng mga quarantine checkpoints.

Ipinauubaya naman, ani Año, ang pagpapatupad ng pangangailangan sa quarantine pass sa mga local government units (LGUs).

Muli namang pinaalalahanan ng kalihim ang publiko na hanggat maaari ay para lamang sa mga “essentials” kung bi-biyahe o lalabas ng bahay.