Public Information Office ng pamahalaang lungsod ng Baguio nagbahagi ng kaalaman sa pamamahayag at ilan sa pagpapayo tungkol sa social media sa piling-pili na kinatawan ng barangay sa lungsod

0
13
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City – Nagsagawa ng dalawang araw na panayam o lecture ang Baguio City Public Information Office tungkol sa mga pangunahing kaalaman tungkol sa pamamahayag at pamamahala ng social media sa piling piling barangay secretaries at kinatawan ng barangay sa RNJ Hotel, sa lungsod ng Baguio noong nakaraang Biernes at Sabado.

Sa unang araw ng panayam o lecture, ang mga mamamahayag na si Hanna Lacsamana at Harley Palangchao nagbigay ng pagtuturo sa basic news writing at photojournalism.

Sa ikalawang araw ng panayam, si Redjie Melvic Cawis ng Philippine Information Agency Cordillera ang nagbigay ng pagtuturo tungkol sa social media content creation at ang basics of video production. Ganon si Atty. Gideon Bascos ng City Legal Office ay nagbahagi din ng kanyang kaalaman sa Data Privacy Act sa mga matanunging mga taga barangay.

Ang dalawang araw na kaganapan ay bahagi ng pagsisikap ng Public Information Office ng lungsod ng Baguio upang tulungan ang mga barangay sa paggawa ng kanilang IEC campaigns. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply