Sunday, April 28, 2024

Probinsiya ng Benguet nakatanggap ng halaga na 8.28 million sa DA

- Advertisement -

(Baguio City – La Trinidad, Benguet) Nakatanggap ang provincial government ng Benguet ng 720 rolyo ng UV treated plastic sheets na nagkakahalaga ng P8.28 million mula sa Department of Agriculture Cordillera sa pamumuno ni Regional Executive Director Cameron Odsey.

Ayon kay Provincial Agriculturist Officer Delinia Juan, bahagi ito ng Department of Agriculture’s recovery program para sa magsasaka na apektuhan ng bagyong Paeng.

Sinabi niya na una pa lamang ito sa nasabing programa at mayroong pang kasunod na pataba at pestisidio na ipapamahalagi din sa mga apektadong magsasaka. Kanyang ipinaliwanag na pangunahing makakatanggap ay ang mga magsasaka na nag ulat ng mga nasirang paninim nila mula sa Barangay at municipal agriculture office kasama ang masterlist at ang mga nakarehistrong magsasaka sa Registry System for Basic Sector in Agriculture.

Idinagdag ni Juan na aabot sa 8,810 a farmers mula sa Benguet ang naapektuhan ng dumaan na Bagyong Paeng noon Oktubre ng nakaraang taon. Kanyang sinabi na 115,499,040 ang naitalang crop damages ang dinala ng nasabing bagyo. Ang masterlist at ang mga nakarehistrong magsasaka sa Registry System for Basic Sector in Agriculture.

Idinagdag ni Juan na aabot sa 8,810 a farmers mula sa Benguet ang naapektuhan ng dumaan na Bagyong Paeng noon Oktubre ng nakaraang taon. (RPN-Baguio/Joel Cervantes)

Photo credit to LGU Benguet

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -