Radio Philippines Network
DZKI Iriga News Provincial News

PNP HPG Inabangan Ang Mga Tricycle Driver Hindi Para Hulihin Kundi Bigyan Ng Pamasko

Inabangan ng PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang ilang namamasadang tricycle driver sa kasentruhan ng bayan ng Daet sa araw mismo ng kapaskuhan hindi para hulihin kundi bigyan ng pamasko.

Sa pangunguna ni PNP HPG Provincial Officer Police Major Joselito Quila, nabigyan ng bag of groceries ang hindi bababa sa dalawampung recipients mula sa iba’t- ibang TODA

Naglalaman ito ng bigas, kape, creamer, asukal, de lata at noodles.

Mistulang nabigla pa nga  ang mga tricycle driver dahil sa pag- aakalang huhulihin sila para isyuhan ng ticket at mayroon pa nga raw na tinangkang umiwas.

Pero imbes na ticket, pamaskong handog pala ang kanilang matatangap na ikinatuwa naman ng mga nabigyan.

Kahit papano, malaking tulong din ito lalo na sa mga tricycle driver na hikaos sa buhay na may ngiting tinanggap ang munting regalo mula sa tinaguriang Guardians of the Highway.

Mababatid na sa panahon ngayon ay lalong nagpahirap sa buhay ng mga tricycle driver ang nararanasang krisis na dulot ng  COVID- 19 pandemic kung saan isa ang kanilang sektor mga labis na naapektuhan.

Kung maalala sunod- sunod na operasyon ang inilunsad ng PNP HPG sa iba’t- ibang bayan noong mga nakatalikod na araw para hulihin ang mga traffic violators.

(Source: BNFM Daet & Bicol News)

Related posts

Mga Pag-Atubang Sa Mga Kabalaka Sa Covid-19

RPN

Free X-Ray Isinagawa Sa Iriga City

RPN

Wounded Personnel Medal Sa Duha Ka Samarong Sundalo

RPN