Nakatakdang magpulong ang Metro Manila Council (MMC) sa darating na linggo.
Ayon kay MMC Chairman at Paranaque City Mayor Edwin Olivarez, kanilang tatalakayin kung luluwagan na ba sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang Metro Manila o mananatili sa General Community Quarantine (GCQ).
Pero paglilinaw ni Olivarez, kung siya lamang ang tatanungin ay mas gugustuhin niyang manatili ang Metro Manila sa GCQ upang tuluyan nang mapababa ang kaso ng COVID-19.
Giit pa nito na bagamat bumababa na ang trend ng COVID-19 sa NCR ay hindi maaaring mag relax at kailangang tuloy-tuloy lamang ang ginagawang hakbang ng gobyerno upang tuluyan naring mawala ang pandemyang COVID-19.