PHP442-K halaga ng shabu nakumpiska sa buy-bust operation ng Albay PNP; High value individual, arestado

0
9

Tinatayang Php442,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang lalaki na kabilang sa listahan ng High Value Target Drug Personality sa inilunsad na buy-bust operation ng Albay PNP sa Barangay Malabog, Daraga, Albay nito lamang Hunyo 15, 2023.

Kinilala ni PLTCOL CARL JOSEPH B JAUCIAN, Hepe ng Daraga Municipal Police Station ang suspek sa alyas “Alvin” at residente ng nasabing lugar.

Ayon kay PLTCOL JAUCIAN, bandang 8:45 ng gabi ng isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na mga operatiba ng Daraga MPS, Albay-PIU, RPDEU5 (Team Albay) at Albay 1st PMFC sa pakikipag- ugnayan sa PDEA- Albay Provincial Office.

Nakumpiska mula sa suspek ang tinatayang 65 na gramo ng hinihinalang shabu na may street value na Php442,000.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng walang tigil at mas pinaigting na kampanya ng Albay PNP kontra ilegal na droga upang mapanatili ang kaayusan at gawing drug free ang lalawigan mula sa ipinagbabawal na gamot. (Jv Navarro Verdeflor Jr.)

(Source: PCADG Bicol Region, photo credits to the owner)

Leave a Reply