Magpapatupad umano si Pangulong Rodrigo Duterte ng balasahan sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) upang tanggalin na ang mga tiwali sa ahensya at magkaroon na ng “single line of authority”.
Sa kanyang naging ulat sa bayan noong Lunes ng gabi, sinabi pa ng Pangulo na maraming may kakayanan na gawin ang trabaho sa Philhealth at i-proseso ang mga papel nang hindi ito binibitin o inuupuan.
Balak din umano ng Pangulo na isulong sa kongreso ang pagbuwag sa Philhealth imbis na isapribado dahil mawawalan naman aniya ng insurance ang taumbayan.
Nagbebenta narin aniya ng ari-arian ang gobyerno dahil sa kawalan ng pondo pambayad sa PhilHealth.