Parusa laban sa pulis na nakapatay sa 6-year-old na bata sa Caloocan tiniyak – NCRPO

0
47

Mismong si NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar ang nagsabing hindi siya naniniwalang may hinahabol na drug supect ang pulis na nakapatay sa anim (6) na taong gulang na bata sa Caloocan City noong Linggo.

Ayon kay Eleazar, batay sa mga nakalap nilang ebidensiya, walang naganap na engkwentro na tulad ng sinasabi ng suspek na pulis na si Corporal Rocky Delos Reyes.

Ito rin aniya ang naging pahayag ng mga testigo sa insidente.

Samantala tiniyak naman ni Eleazar na mapaparusahan si Delos Reyes at matatanggal ito bilang miyembro ng Philippine National Police.

Batay sa salaysay ni Delos Reyes, may hinahabol siyang drug suspect na nakipaglitan ng putok sa kanya kung hindi aniyang sinasadyang tumama ang bala ng kanyang baril sa ulo ng biktimang si Gian Habal.