Pangulong Duterte tinawag na “tamad na hari” ni Sen. Trillanes

0
61

Tinawag na tamad na hari ni Senador Antonio Trillanes si Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng naging larawan nito.

Makikita sa larawan na nakahiga ang pangulo sa kama habang nanonood ng Netflix sa kanyang tahanan sa Davao City.

Ayon kay Trillanes, pagpapakita lamang ito kung gaano katamad na lider si Duterte.

Maraming ispekulasyon ang lumabas matapos na hindi makita sa publiko ang pangulo noong isang linggo kaya nagpalabas ng larawan ang gobyerno para pabulaanan ang naturang mga ispekulasyon sa kaulusugan ng pangulo.