Pangulong Duterte nagbantang papatayin ang mga drug smugglers sa bansa

0
54

Binantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na papatayin niya ang mga drug smugglers.

Ayon sa Pangulo, wala siyang pakialam sa sasabihin ng mga human rights group at iba pang kritiko ng kampanya kontra iligal na droga.

You druggists, especially those importers, I will certainly kill you. I told you before, do not destroy my country. Pahayag ni Pangulong Duterte

Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng shopping complex sa Davao City, sinabi ng Pangulo na nasira na ng pamahalaan ang mga laboratoryo ng iligal na droga sa bansa.

Binigyang diin nitong ang mga umiikot na droga sa bansa ngayon ay mula sa mga tinaguriang bamboo triad sa timog silangang Asya at Mexico.