Pangulong Duterte balik bansa na matapos ang 5 araw na pagbisita sa Russia

0
14

Balik bansa si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang 5 araw na pagbisita sa Russia.

Sa kaniyang pagdating, dala-dala ng Pangulo ang mga magagandang balita kabilang na ang nalagdaang P620M halaga ng business deals na dinaluhan nitong forum sa Moscow.

Samantala, ginawaran ng Honarary Doctorate Degree mula sa Moscow State Institute for International Relations University.

Kadalasang ibinibigay ang naturang award bilang pagkilala sa mga naging karanasan ng isang indibidwal.

Ngunit ayon sa Pangulo hindi niya inaasahan ang naturang parangal dahil ayon aniya sa kaniyang ama ang tunay na karangalan ay ang pagbibigay ng serbisyo publiko.