Pangulong Duterte at Bro. Eddie Villanueva nagpulong sa Palasyo

0
62

Nagpulong sina Pangulong Rodrigo Duterte at Jesus is Lord Leader Eddie Villanueva sa MalacaƱang, kagabi.

Kabilang sa pribadong pulong sina Special Assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” Go, Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo at Atty. Angelino Villanueva.

Ipinaliwanag ni Pangulong Duterte kay Villanueva ang kanyang saloobin sa sariling interpretasyon sa pagkakakilala nito sa Diyos na pinakinggan naman ng JIL Leader.

Matapos nito ay nagpaunlak naman ang Punong Ehekutibo na ipanalangin siya ni Brother Eddie.

Magugunitang inihayag ni Villanueva na nilabag ni Pangulong Duterte ang Saligang Batas matapos tawaging estupido ang Diyos na isa umanong kalapastangan.

—-