Hinihintay pa ng Malakaniyang ang pangako ni Ben Tulfo ng Bitag Productions na pagsasauli ng 60 Million Pesos na ibinayad ng Department of Tourism dito.
Ito ayon kay Presidential Spokesman Harry Rique ay dahil mismong Si Ben Tulfo ang nagsabing ibabalik nila sa gobyerno ang ads payment.
Kasabay nito ipinabatid ni Roque na bahala na ang Ombudsman sa COA Report na nagsasabing may conflict of interest sa kontrata dahil magkapatid sina dating Tourism Secretary Wanda Teo Tulfo at Ben tulfo Na siyang may ari ng Bitag Productions.