Napakahalaga para sa Pangulong Rodrigo Duterte ang palabra de honor o pagtupad sa pangako.
Ito ang naging reaksyon ni Presidential Spokesman Atty. Harry Roque hinggil sa kontrobersiya sa speakership sa mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ayon kay Roque, hindi akma kung magkokomento pa ang Palasyo ng Malacañang hinggil sa naganap na pulong ng pangulo kasama sila House Speaker Alan Peter Cayetano ngunit nais niyang ipabatid na ang tanging gusto lamang ng pangulo ay igalang ang napagkasunduan hinggil sa usaping term sharing.
Matatandaang sa term sharing agreement nina Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco napagkasunduan na si Cayetano ang uupong House Speaker sa unang labing limang buwan ng 18th Congress na nakatakda sanang matapos sa buwan ng setyembre habang papalitan naman sana ito ni Velasco sa nalalabing 21 buwan ng ika-18 Kongreso.