Baguio City – Implementasyon ng Anti-Road Obstruction sa kalsada sa Baguio tuloy tuloy. Minsang pang ipinaliwanag na hindi selected ang implementasyon.
Mariing na pinasinungalingan ng Public Order and Safety Division Enforcer Division head na si Mr. Daryll Kim Longid, na mayroon silang pinapaboran sa implementasyon ng Anti-Road Obstruction o ng ARO dito sa lungsod ng Baguio na bilang alegasyon ng ilang sa mga mamamayan at motorista na apektado ng nasabing gawain.
Sinabi ni ginoong Longid na ang reklamo ng mga naapektuhan ng implementasyon ng ARO lalo na sa Romulo Drive ay kanilang natanggap noong Jueves, Pebrero 8, 2023.
Kanyang ipinaliwanag na may kahilingan ang Barangay Gibraltar na isa sa may sakop ng nasabing lugar dahil sa matinding problema ng illegal parking.
Ngunit naiintindahan nila na may naapektuhan na negosiante lalo na ang mga karinderia, Isang pag uusap ang isinagawa na dinaluhan ng opisyal ng barangay, POSD, at mga may ari ng karenderia.
Napag usapan na hindi huhuli ang POSD mula oras ng alas-onse ng umaga hangang alas-dos ng hapon bilang kahilingan ng mga negosiante.
Ganon din na pinayuhan ang mga customers nila na bawal ang magparada lalo na sa palikong parte ng kalsada at saka na lamang manghuhuli ang mga POSD bago mag alas-onse ng umaga at matapos ang oras ng alas-dos ng hapon ayon sa napag usapan. Â Ngunit ang problema ay hindi sinusunod ang nasabing napagkasunduan, mayroon pa ring pasaway na nagpaparada sa gilid ng kalsada at nakakarinig ang mga taga POSD ng hindi magandang pananalita sa mga may ari ng mga karenderia kung sila ay manghuhuli sa nakatakdang oras na sanhi na dapat nilang pag ingtengen ang implementasyon ng ARO.
Sinabi rin nila na hindi totoo na may pinapaboran na hindi nila hinuhuli ang mga sasakyan ng mga turista na nakaparada malapit sa Mansion House bilang alegasyon ng mga texters.
Ngunit base sa records, tumaas pa lalo ang bilang ng mga nahuli nilang mga sasakyan ng mga turista doon dahil sa illegal parking.
Sinabi rin nila na hindi sila ang kalaban, ang problema ay sa illegal parking na nagagawa ng mga bisita at sa kasalukuyan ang LGU ang katuwang sa panananatili ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod ng Baguio. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO Baguio)
